WEBMISTRESS DISCLAIMER TAGBOARD

Hello friends! Welcome to my blog! Stories and random things will be post here! B1A4 is love <3
bold strong italic underline
- 3na

Photo of the Day
Credits
A Round of Applause to the following
Designer: Cynna
Image: Cyworld KR
Host: Blogger
Scripts : Dynamic Drive
Chapter 2: Childhood memories
Written @ 22:59
A/N: it's been a loooooooooooooong time, right?



“Y-yoora?!” Bulong ni Baro.

Nakita ni Yoora si Baro at napatigil. Hindi niya alam kung bakit pero biglang bumilis ang takbo ng puso niya.

“Y-yoo--”

“Baro hyung!” Sakto nakarating na rin sila Jinyoung. Nagulat na lang sila nang makita nila si Yoora.

Nagtaka ang babae, bakit sila nakatingin sa kanyang nang ganyan. Kilala ba nila siya?

Nagbow ito kay Baro bago ito naglakad palayo. Nagtaka sila Baro.

“YOORA!” Sigaw nito. Napatigil si Yoora at napatingin kay Baro.

“Pano mo nalaman ang pangalan ko? Kilala ba kita?”



"Yoora," Nilapitan ni Baro si Yoora pero bago man ito makalapi sa kanya, tumakbo si Yoora palayo sa kanila. Itatakbo na rin sana niya si Yoora pero pinigilan siya ni Han Seul.

"Baro, hayaan mo muna siya, siguro nagugulhan siya at natatakot sa atin. Ako muna kakausap sa kanya, pwede ba?" Napatungo si Baro at umoo. Sinundan ni Han Seul si Yoora. Ng mawala na siya, lumapit ang apat kay Baro.

"Bakit? Bakit hindi niya ako nakilala?" Tanong niya, paulit ulit niya itong tinanong, naguguluhan at nalulungkot. Ang lalaking tulad niya ay hindi dapat umiiyak pero bakit? bakit naiyak siya? Hindi nakayanan ni Sandeul na maghirap si Baro at niyakap niya ito.

"Kids?" Napatingin sila sa isang boses sa likod nila, ang ina ni Yoora.

"Kamusta na kayo?" Wala siyang nakuha na sagot ng makita niya ang sitwasyon at naintindihan niya agad ito. "Pumasok muna kayo mga bata"

Sa pagpasok nila muli sa palasyo nang kanilang prinsesa, marami na palang nagbago. Mga kahon at mga bagahe ang unang nakita nila sa loob ng magandang bahay.

"Ang lalaki niyo na pala mga anak, dati nakikita ko pa kayong nakahubad habang pinaliliguan ko kayo." Ang apat ay napatungo sa hiya, mapula ang kanilang pisngi at ngumiti. Mabait ang ina ni Yoora, in fact, siya pa nga minsan ang nagrerequest magovernight silang apat sa bahay nila.

Napansin ng mommy ni Yoora ang lungkot na nadarama ni Baro. "Baro, ikaw yun di ba? Ang best friend ng aking anak?"

"Pasensya na anak, nakalimutan na kasi kayo ni Yoora." Parang may tumusok na kutsilyo sa puso ni Baro at sa apat, ilang taon ang lumipas panigurado na nakalimutan na sila ni Yoora, pero impossible, hindi basta basta makakalimutan ni Yoora ang pagsasamahan nila.

"Hindi totoo yan! Nagpromise siya sa akin eh...sinungaling." Nagwawala si Baro, at ang apat naman ay walang ibang magawa kundi pigilan ito.

Napaluha ang mommy ni Yoora. "Naaksidente kasi siya...." Lahat ng mata ay napatingin sa kanya. Mga mata ay nagpapakita ng gulat at kaba.

"A-ano?!" 

"Nung 8 years old siya...pauwi na sana siya galing sa school niya ng may bumangga sa kotse na sinasakyan niya. Akala namin mawawala na siya sa amin, pero buti naawa ang Diyos pero ang mga alaala niya ay biglang nabura sa kanyang isipan." Napaluhod si Baro, hindi niya aakalain na mangyayari kay Yoora yun, hindi siya papayag, kailangan maalala siya ni Yoora.

Tumayo ito at tumakbo palabas upang puntahan si Yoora.



Palingon lingon si Han Seul upang makita muli ang babae kanina, simula nung bata sila, hindi na nakausap ito. Nakatutok lang kasi siya kay Baro at sa apat. Alam ni Han Seul na kahit kailan hindi siya nagustuhan nito.

Napangiti ito nang makita niya si Yoora na nakaupo sa swing, parang mga alala niya nung bata siya ay bumalik. Si little Yoora nakaupo sa swing hawak hawak ang kanyang manika at ngumiti ito nang makita siya si Baro tumatakbo sa kanya.

"Yoora?"

"Sino ba kayo?! Bakit niyo ako kilala?"